Wednesday, November 25, 2009

A MOMENT TO REFLECT.. giving importance to our dear parents...

In our busy life in this world, have we ever asked ourselves where we are now or why we exist? Sometimes beautiful moments seems to be ordinary for us just as taking for granted the times that we supposed to spent with our own parents or forefathers. Friends, I invite you to think and give some moments to reflect after reading this beautiful reflective piece of Fr. Ariel Robles which was entitled: SULAT NI INAY AT ITAY SA AKIN….



Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit
sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos nalumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana .... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...